Kung OO ang sagot mo sa lahat ng ito, IKAW na nga ang hinahanap namin!
Maglalaro tayo. Isang buong araw nating babalikan ang panahong nagdaan. Magtatakbuhan tayo sa ilalim ng mayabang na araw. BAWAL MAG SUNBLOCK! Dapat na authentic amoy-araw tayo pag-uwi. Swerte pa kung may mga tutubi sa pupuntahan natin, makakapanghuli pa tayo.
Planning stage pa lang tayo. Nag-umpisa ang lahat sa isang plurk na nanganak at nanganak ng responses. Nakaka-inspire (Yiihii!!!). Sayang kung di itutuloy, di ba? So sound off naman jan kung interesado ka. Lahat pwedeng sumali, kahit di naging batang kalye, basta willing matuto at ma-uto. Hehe...
Sunday daw. UP Diliman daw. Wala pang concrete plans. Pero alam kong matutuloy 'to. Kahit saan pwede, kahit kailan, kahit iilan lang tayo, basta itutuloy natin ito!
Pagkakataon na nating maging bata ulit. Wala lang iiyak pag natalo ha, nakakahiya na mapalo ng nanay pag umuwi kang luhaan.
Pls repost or pakibalita. Salamat!!!