Monday, August 18, 2008

Calling All Former BATANG KALYES!!!

Laman ka ba ng lansangan noon? Asar-talo ba ang nanay mo sa kakahanap sayo pag oras na ng ligo? Umuuwi ka lang ba pag Shaider na? Nanlilimahid ba ang singit-singit ng katawan mo sa libag at pawis? Alam mo ba kung saan at kailan gagamitin ang mga katagang ito: Game Patotot? Shake-shake...shake shake... shaaampoo!? Siaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...to!?

Kung OO ang sagot mo sa lahat ng ito, IKAW na nga ang hinahanap namin!

Maglalaro tayo. Isang buong araw nating babalikan ang panahong nagdaan. Magtatakbuhan tayo sa ilalim ng mayabang na araw. BAWAL MAG SUNBLOCK! Dapat na authentic amoy-araw tayo pag-uwi. Swerte pa kung may mga tutubi sa pupuntahan natin, makakapanghuli pa tayo.

Planning stage pa lang tayo. Nag-umpisa ang lahat sa isang plurk na nanganak at nanganak ng responses. Nakaka-inspire (Yiihii!!!). Sayang kung di itutuloy, di ba? So sound off naman jan kung interesado ka. Lahat pwedeng sumali, kahit di naging batang kalye, basta willing matuto at ma-uto. Hehe...

Sunday daw. UP Diliman daw. Wala pang concrete plans. Pero alam kong matutuloy 'to. Kahit saan pwede, kahit kailan, kahit iilan lang tayo, basta itutuloy natin ito!

Pagkakataon na nating maging bata ulit. Wala lang iiyak pag natalo ha, nakakahiya na mapalo ng nanay pag umuwi kang luhaan.




Pls repost or pakibalita. Salamat!!!

36 comments:

  1. haha talagang sineryoso pala to.. jabar fiesta to!!!!! woooooo!!!! haha

    ReplyDelete
  2. gusto ko yan. sinong taya? jack-en-poy na! ;p

    ReplyDelete
  3. hahaha... oo seryosohan na ito. salamat sa inyo ni Nii. heehee... hoy sumali ka ha!

    ReplyDelete
  4. uy seryoso to ha. update ko kayo ng developments. XD

    ReplyDelete
  5. Game! pagkabilang ko ng sampu nakatago na kayo!
    hahaha

    putik! kaya ko pa kayang tumakbo? hehehe

    ReplyDelete
  6. oo jabar fest at hingal galore to! hahaha kamusta naman nung bata ako, ang makakapagpahinto lang saken eh pag nadapa na ko. pero ngayon, baga at taba na!woooooo!!! :P haha

    ReplyDelete
  7. pambihira, pitik bulag lang kaya ko.. :p

    ReplyDelete
  8. BK... tama na!~ may klase pa ako ;p tatawa ako ng malakas dito hahahaha ^^

    ReplyDelete
  9. Gusto ko nga prikidam-block 1 2 3!!!! waaahh!

    ReplyDelete
  10. oi sali ako! i didn't experience any of that! hahaha! deprived ako!

    ReplyDelete
  11. hahahahaha ayos to ah... sige mukhang gusto ko.... hehehehe

    ReplyDelete
  12. So alam na natin kung sino magiging olats pag nagkataon.

    Bwaahahahahahahahahhahahahahah... :D

    ReplyDelete
  13. oh di ba! para can-relate agad! haha...

    ReplyDelete
  14. hahaha... ako din eh. magkakaalaman tayo! haha..

    ReplyDelete
  15. nga ako makatulog eh! excitement ito!

    ReplyDelete
  16. tsk tsk.. kawawa ka naman! ang sarap maging batang kalye!

    ReplyDelete
  17. Lynn, di mo nasali 'yung Doctor Quack Quack! Hahahahaha

    ReplyDelete
  18. hahaha... oo nga!!! sige keep it coming. so far we have about twelve games to play na. darn planuhin natin ito! hahaha... weeee!

    ReplyDelete
  19. Waw. Parang ispeyshal olimpiks, batang kalye edition. :D

    ReplyDelete
  20. hahaha, pass muna ako, iluluwa na ako ng Diliman e. :P

    ReplyDelete
  21. korak. may pinaalala pa yung friend ko sa office--- dodgeball pinoy-style! grabeh yun! hahaha... well mas madali na tayong tamaan ngayon kasi bukod sa majuba na tayo, mabagal pa kumilos!

    ReplyDelete
  22. ano!!! walang pass pass! don't worry, covered ni Jovan yan. pag niluwa ka ng Diliman, papalunok ka namin ulit. ewww... that didnt sound right.

    ReplyDelete
  23. Um... yah...

    **tago ulet sa likod ng filing cabinet

    ReplyDelete
  24. hahahaha... bastus! naku kailangan na natin magawa to. time to de-stress. let's forget about these adult cares for a while. i miss being a kid!!!

    ReplyDelete
  25. may update na ba kung kelan ito? nakita ko kasi mga bata sa amin kahapon naglalaro, nainggit ako :) hehe!

    ReplyDelete
  26. haha..wala pa. pero we should do this before the month ends. balita ko busy ang mga tao. and i have to get well pa. damn flu.

    don't worry... i'm doing a little each day. matutuloy ito!!! wee!!!

    ReplyDelete